Medyo Happy Birthday sa Akin: Isang Late na Post

Sa mga hindi nakakaalam, kakaraos ko lang ng aking ika-21st birthday nung Friday, 21st of June. Ang post na ito dapat ginawa ko nung Saturday eh kaya lang nawalan ako ng gana tsaka napagod ako kasi alas kwatro na na ng madaling araw natapos ang inuman naming magka-klasmeyts nung college. Hindi rin naman ako nakapost nung Sunday at kahapon dahil… ano, wala lang. Tinatamad ako eh.

Pero anyway, better SUPER late than never. Andami kong gustong ipagpasalamat para sa raw na iyon starting sa kung ano’ng nangyari early in the morning of Friday.

Ginising ako ng parents ko ng maaga kasi magsisimba daw kami. Ritual na namin yung magpapamilya na magsisimba kami sa morning ng birthday namin. Buti na rin kasi matagal na akong hindi nagsisimba. Tumataas na yung sungay at buntot ko. Kailangan ng bawasan. Ang ganda pala talaga kapag inuna mo si Lord every morning. Nakakagaan ng pakiramdam. Ang mas maganda pa niyan eh after ng simba eh dumaan kami sa ampunan para magbigay ng mga donations para sa mga batang inabanduna ng kanilang mga magulang at yung may mga sakit. Hindi na kami pumasok sa ampunan kasi baka ma distorbo ko pa lang sila. Pinaabot ko na lang yung mga donations sa isang babae na feel ko caretaker doon. After noon eh kumain muna kami sa pambansang fastfood ng mga Pilipino - Jollibee - at umorder para kay ate sandali, hinatid ang pagkain sa kanyang office, umuwi ng bahay, naligo at umalis para kumayod.

Work related, pumunta kami sa Ateneo de Davao para i promote ang workshop ng aming company at mamigay na rin ng free slots sa 3 lucky students. It was around 9am nang nakapasok ako ng school, since I had to drop by LTO pa to get my license (kumo-conyo lang). Kaka renew ko lang kasi sa driver’s license ko kaya ayun, dumaan muna ako sa LTO before ako pumasok ng school. Hindi lang pala si Lord ang makakapagpagaan ng araw ko. Nang kinuha ko ang license ko sa station 4 ng LTO eh doon naghihintay ang isang babaeng taga Ateneo na feel ko eh nag O-OJT kasi suot niya ang OJT uniform ng ADDU. Shit. Ganda niya. Na starstruck ako. Chinita kasi. Bigla nanamang bumalik ang approach anxiety ko sa mga babae pero that time gusto ko na talagang makipag-usap sa kanya, kaya lang time constrained ako eh. Kailangan ko na talagang umalis that time, kaya yun! Pagkatapos kong kunin ang renewed license ko eh umalis na ako agad papuntang school.

Waiting there sa school were my teammates: Dana, Herson and Kertnym. Medyo eksena lang ang aming arrival kasi ang araw na iyon eh orientation day ng lahat ng divisions/schools/clusters ng University. Napadpad kami sa orientation day ng Computer Studies, at nasaksihan ko uli ang orientation day na na experience ko during the years I spent with my beloved computer studies cluster back when I was in college. Siyempre, andun yung mga corny na jokes ng mga host, yung pagpapakilala ng mga teachers sa curriculum na bago na, and talent show ng mga 6thfloorians (CS cluster people). Ang bagong addition lang eh ang live update ng score ng Game 7 ng Miami Heat and San Antonio Spurs.

Anyway, when it was our time to speak in front of the whole CS cluster, ito ba namang isa kong teacher dati sa college eh sumigaw ng happy birthday sa akin habang papunta kami ng teammates ko sa stage. Eh anu pa nga ba, yung naiwan kong mga friends na nag-aaral pa eh sumigaw din bigla. Medyo madami-dami din sila ha. Ang ending, kinantahan ako ng halos buong CS cluster ng happy birthday. Anak ng tupang 5 meters ang bangs! Nahiya tuloy ako konti. Pina speech pa ako ng emcee, at ang nasabi ko lang eh, “I did not expect this.” Charot.

And after ng appearance namin sa stage, after ng lahat ng commotion, eh umalis na kami sa Finster Auditorium kung saan ginanap yung CS orientation. Pero before kami umalis para sa office kasi
pinapabalik na kami, kumain muna kami saglit sa Kebab sa labas ng school. Nanlibre ako ng milk tea sa mga kasama ko kasi birthday ko daw. Pakisama lang. Habang bumibili kami ni Kertnym ng milk tea, nakikiusosyo ako sa mga nagtitinda tungkol sa NBA. Dinig ko eh lamang na daw yung team ko - Miami Heat. Si ate naman na nagtitinda ng milk tea eh sa spurs yung boto niya. Panay sigaw si ate kapag hindi na sh-shoot yung bola o kaya inagaw. Nakakatakot si ate.

After naming kumain eh dumaan muna kami sa SM Ecoland. Since napag-isipan nila Herson at Dana na kung pupunta kami sa office diretso, wala kaming maaabutang tao doon kasi lunch break pa, kaya dun muna kami sa SM tumambay at nagpalamig. Habang naglalakwatsa kami sa Bench sa loob ng Annex, tinext ako ni Kertnym na binaba namin sa UM bolton bago kami pumunta ng SM na nanalo daw ang team namin sa NBA. CHAMPION ANG HEAT, BABY! WOOH! Isa nanamang panalo ito para sa inang bayan! Mabuhay!

Dala ang galak sa buong araw dahil sa pagkapanalo ng Miami Heat eh bumalik na kami sa office. Medyo natagalan nga lang kasi nasiraan pa kami ng sasakyan. Buti na lang pumunta agad si daddy para ayusin yun. Medyo madali lang naman eh, hindi ko lang talaga alam papaano yung kukuriin. So yun, pagdating sa office, crunch time agad. Trabaho. Pero pagdating ng alas tres, break time sa office, pumasok si Ma’am Jaja, yung nagbibigay ng sweldo sa amin tuwing pay day, ng isang cake for me. Ginagawa nila ito tuwing may nag b-bertdey sa office. Kinantahan nanaman ako ng mga officemates ko. Todong hiya na talaga to. Kaka 1 month ko lang sa office, dito pa talaga ako nag celebrate ng birthday, meron pa talaga akong cake care of Illumedia. Honsoyo.

To top it off, ito pa talaga ang araw na natapos ko ang aking training. So hindi na ‘Web Designer Trainee’ ang title ko kundi ‘WEB DESIGNER’ na talaga. Walang ‘TRAINEE’. Ang saya. Bonafide web designer na talaga ako ng illumedia. Medyo. Actually, on probee pa ako, pero malapit na rin yun sa regular. Konting push na lang. 6 months lang naman eh. Magandang Bday gift na yun. At since level up na nga ako sa company, level up na rin ang sweldo. OHVER!!!

Pero the best sa lahat eh kahit na medyo late na ako nakaalis ng office kasi ang daming revisions sa ginawa kong design sa isang mockup ng website, ay nakapunta pa rin ang mga classmates ko nung college sa bahay to celebrate my birthday with me. YEY FOR FRIENDSHIP! Pero hindi ko talaga inasahan na halos buong klase, andun sa bahay. Haha. In fairness, parang mabibilang mo lang sa fingers yung mga classmates ko na hindi pumunta, pero buti na lang talaga kasya yung pagkain, kasi kung hindi, hello sa corned beef. Actually parang reunion na rin ata yun namin. Sa dami ng mga pumunta kong classmates parang 5 years kaming hindi nagkita. Hahaha. Nakakabungal. Pero grabe talaga pasalamat ko sa mga classmates ko na ito kasi dumalo sila sa birthday ko. Na miss ko rin din naman sila eh so buti na lang talaga. Medyo matagal din silang nakauwi ha. In fair, antagal natapos ng inuman namin. Yung iba, bandang alas tres na sila nakauwi sa kani-kanilang mga bahay. Ang naiwan na lang eh yung isa kong classmate na late na dumatin at yung parati niyang kasama na classmate ko din. Mag aalas kwatro na kami natapos sa aming usapan at inuman.

Shit. Best Bday ever.

So this time let me enlist the things that I would like to thank for for making my best birthday possible:
1. Yung babae sa LTO na nagpa heaven sa aking feelings even just for a moment
2. LTO para sa aking license, and for another 3 years, makakagala nanaman ako sa Davao gamit ang sasakyan ng parents ko
3. Sir Stony kasi sinigaw mo talaga ang ‘Happy Birthday Ralph!’ sa CS Orientation
4. Sa mga naiwan kong classmates sa school kasi kayo talaga nagpasimuno ng pagkanta ng halos buong CS Cluster ng happy birthday sa akin. Q niyo guys! hahaha. PEACE.
5. Sa Illumedia, para sa cake na binigay niyo, sa level up niyo sa position ko at, sa raise ng sweldo ko
6. Sa mga classmates ko na pumunta sa bahay ko. Sa susunod, kung sino man ang mag b-bertdei, sa Brgy. Hall niyo na i celebrate. Madami po tayong mag k-klasmeyts.
7. Kay kuya John2x (na tito ko) for giving me this wonderful unan. Sabi niya since hate ko daw si ryzza, at wala daw siyang makitang kamukha niya, ayun! Binigyan niya ako ng unan na Monsters Inc.
8. Sa mga pinsan ko na 12 midnight pa lang, pumasok sa kwarto ka at nag iwan ng lemon square cheesecake na may candle sa taas, kahit natutulog pa ako. Sarap ng cheesecake.
9. To my mom and dad for making the celebration possible
10. and finally to God, for giving me another year. Thanks God! :)

Ah, hindi na talaga ako babata pa. Hindi talaga mapipigilan ang growth and age, pero this remains: my friends, my family, and God. Kayo daw ang inspiration ko eh. So thank you guys for being with me for the past 21 years of my life. Kayo ang boss ko. Charot.

pahabol…

11. Nanalo nga pala ang Miami Heat! WOOT! Ipagpunyagi!!!

CS GUY


Kasi nga medyo clingy ako sa division ko, kaya eto, ginawa ko si CS Guy - ang batang taga Computer Studies na may angking kakayahan sa pagiging imbisibol at kumontrol ng anumang teknolohiya. Actually, ang idea nito eh galing sa isang shirt design na nakita ko sa FB fanpage ng Paintline T-shirt Printing. Yung tshirt na may CBA tigers na design. So yun, since wala din naman akong ginagawa sa office kasi walang nagbibigay ng task, sinimulan kong gawin ang ulo nitong si CS guy. Kahapon pa yun. Actually, kakatapos ko lang nito. Bago lang. 

Sa totoo lang, happy naman ako sa outcome eh. Actually, gusto ko ring gumawa ng CS girl kaya lang pagod na ako ngayon eh. Next time na lang siguro. Pero today has been a good day. Thank you, CS guy! mehehehe

Isang Nag-aalab na Happy Father’s Day sa Inyong Lahat


Hindi si superman ang tatay ko, pero siya ang pinaka strong na taong nakilala ko.
Hindi rin siya si Richard Gomez o si Sir Chief, pero siya ang pinaka poging tatay na mahihiling ko.
Hindi rin naman siya si Donald Trump, pero lahat ng kailangan namin, na p-provide niya.

Ito tatay ko. Simple. Walang arte. Matapang. Palaban. Matalino. Mapagmahal.

Kahit na walang araw na hindi ko siya nakikitang nagagalit o napapamura about something tuwing umuuwi siya dito sa bahay, at kahit hindi ko siya araw-araw nakikita, siya pa rin ang nag-iisa, katangi-tangi at walang ibang dad na mamahalin ko forever and ever.

Salamat, de, sa mga sakripisyong ginawa mo so far para sa ating family. Alam ko hindi madali maging ikaw kasi ang dami-dami mong inaasikaso everyday sa work. Malayo ka pa naman sa amin at alam kong nangungulila ka rin sa amin pag andun ka sa Mt. Diwalwal. Pero appreciate na appreciate namin ang mga efforts mo. Iniintindi namin parati kung saan nanggagaling ang init ng ulo mo everytime. Tumatahimik na lang kami pag nagsesermon ka na. Pero kahit ganyan ka, kahit ang init ng ulo mo ang parating nauuna, love ka pa rin namin nila ate and mommy. You’re the best kasi eh! Ikaw na!

Sorry if nakakadagdag kami sa problema mo minsan, pero ganito na talaga kami eh. Hindi namin namana sa iyo ang restraint sa pag-iinom. Hindi rin namin namana sa iyo ang skills mo sa mga bagay-bagay. Actually nakuha ata ni ate yung pagkamainitin ng ulo mo, tapos nakuha ko naman yung talino at kapogian mo. Pwede na yun. Pramis, i t-try naming magpakatino kahit minsan lang. Try-try lang din pag may time. Sayang naman efforts mo sa pagpapalaki sa amin tapos ganito lang kami. Tsk tsk.

Pero anyway, dahil sa efforts mo, at sa unending love na binibigay mo sa amin, itong araw na ito ay para sa iyo. Happy Father’s Day, de. Pramis, makikita mo rin ang apo mo galing sa akin soon-ish.
Sana.

Hanap muna ako girlfriend na pang forever ang drama.

Araw ng Kalayaan Special: NBA Finals Game 3


At nagdiwang nanaman ang mga Spurs fans ngayong araw na ito. Tinambak ng San Antonio Spurs ang Miami Heat sa score na 77-113. Pabor na pabor sa spurs ang laban. Kaya lang parang binigay lang naman ata ng Heat ang game 3 sa Spurs eh. Pero okay lang. Hindi naman talaga ako fan ng NBA eh. Pinost ko lang to para updated kuno ako. Pero ayon sa aking psychic powers, ang miami ang kukuha ng trono ngayong finals. Isang beses pa lang akong nagkamali sa buong buhay ko sa panghuhula sa NBA finals. Last year lang yun. Nararamdaman kong hindi ako magkakamali this time. Nararamdaman ko talaga sa guts ko. Nararamdaman ko.

#GoHeat

Mga Pagbabago sa Mundong Ito


Naramdaman kong kinailangan ko ng bagong logo para sa sarili ko. Medyo na o-outdate-an na ako dun sa una kong logo eh, yung with wings? Kaya eto. Since wala namang nagbibigay ng task sa akin kaninang umaga sa office, ginawa ko muna to. Para sa akin mukha siyang modern design meets vintage logo achoochoo achoochoo. Pwede din siya’ng logo ng kapitan ng barko. 

Kahit ano na.

Basta gusto ko tong bagong logo ko. Modern-ish.

Back to School na… sila…

Sa mga private school, ngayong araw na ito ang simula ng bagong klase. I’m sure maraming excited diyan - lalung-lalo na yung mga mag c-college na at yung mga umaasang g-gradweyt na sila sa college. Sino nga ba naman ang hindi?

Madami na akong nakikitang mga posts sa facebook at twitter tungkol sa kanilang mga experiences sa frist day of school. New classmates, new crushes, new teachers, new enemies, new subjects, new surroundings, at iba’t-iba pang new na nandyan. Kahit nga mga beteranong college people diyan, yung mga mag S-SUMA at mag M-MAGNA… SUMAsampung taon at MAGNA-nine years na sa college eh meron ding sariling mga first day of school experiences. Walan katapusan ang new-new na yan. Sabi nga nila, there’s always a first time, kahit sa mga may kararanasan na.

Pero hindi para sa mga may pasok at bagong pasok ang post na ito. Andami na kaya nilang mga posts sa mga social media sites, sasali pa ba ‘to? Huwag na oi! Ang post na ito ay para dun sa mga nag move on na sa school, mga mag m-move on pa lang at dun sa mga medyo clingy na ayaw mag move on. Alam ko na alam nating lahat na alam din ng iba na ang sarap i reminisce ang first day of school, o kahit yung mga everyday experiences nung nag-aaral pa tayo. Sa mga ganitong edad kasi, nagsisimula na yung reminisce2x. Kumi-clingy na. Tumatanda na kasi…. :/

Anyway, naaalala niyo pa ba yung unang araw ng pasok niyo? Kasi ako, medyo malabo na. Pero sa pagkakaalala ko eto yung time na pinaka excited ako. Of course, sino nga naman ang hindi ma e-excite sa unang araw sa college, eh sabi nga nila college is the best fun you can have after high school. Dito sa college, dito na yung ultimate saya, dito na yung experiment kung experiment, dito wala kang matatagpuang drama, unlike nung sa highschool na pwede ka nang sumali sa audition ng Miss Saigon o kaya ng The King and I, mananalo ka pa ng best actor/actress, o kaya best supporting actor/actress nang walag ka effort-effort. Sa college, you can be who you want to be. Tama nga naman sila. Dito ka talaga sa college mag b-bloom.

Ako kasi, ako talaga pumili ng course ko. Walang kahit anong external factors kung bakit ko pinili ang course ko gaya ng “Sabi ng parents ko, mag d-doctor daw ako eh… So I chose Bio muna…”, o  kaya “Sabi ng parents ko, mag l-lawyer daw ako eh… So I chose Pol Sci muna”, o di naman kaya “Kasi andun barkada ko sa engineering. So I chose engineering na.” IT talaga ang choice ko. Sinubukan ng parents ko na ibahin yung choice ko ng konti pero wala eh. Lakas ng tama ko sa IT eh. Pero buti na nga lang kamo eh natuloy ako sa first choice kasi kung hindi, baka mag M-MAGNA na din ako sa college. Kitams mo din nga naman, grumadweyt pa talaga akong Cum Laude. Hehe.

No Joke. Seryoso.

Pero reminiscing the past, yung first day talaga yung epitome of all excitement sa college (except sa graduation. Epitome of all excitement sa college din yung graduation). Kasi, pagpasok ko pa lang sa Roxas gate ng Ateneo, bumalandra na agad ang mga naggagandahan at nag s-seksihang mga chiks. Wow. Hanep. Naisip ko tuloy sa sarili ko, “This is it! Eto na talaga! Bloom na kung bloom! College, andito na ko”, and all that shit. At pagpasok na pagpasok ko pa lang sa first class ko, siyempre, hindi ko kilala ang mga taong andun. Andaming mga bagong faces. Andaming mga naggagandahan at naggagwapuhang mukha. Napaisip tuloy uli ako, “Hnnnnnnngg…. “

Pero siyempre, bilang isang nanggaling sa Ateneo highschool, taas pa rin ang Atenean pride, pero with humility na may halong harot. I remember the first few people I talked to were two ilongga girls na mag friends since highschool, and one girl from Baganga who was back then still 14 years old. 14 years old siya, mga kaibigan, at nasa college na siya. Sa pagkakaalala ko, yung si 14-year old girl na yun ang naging kasa-kasama ko sa school everyday since then. Sabay kami nag l-lunch, sabay kami nag-aaral, sabay din kami umuuwi. Anlapit lang pala kasi ng bahay namin sa each other. Pero before this turns to a love story, sasabihin ko na sa inyo, walang nangyaring “ganun” sa amin. We ended up just being friends because well… I was being a jerk.

ANYWAY….

Yung mga first few people na na mention ko, throughout the course of my college life, nawala sila. Isa-isa. yung isa after first year, di na nagparamdam. Yung isa dahil sa isang Kleptomaniac issue, di na nagpakita sa amin, Yung isa naman… Yung isa naman lumipat ng ibang school dahil ata sa akin. Pft. Drama. Pero all is well. Kahit wala na kaming communication sa each other, sa tingin ko naman we still remember each other. *Insert madramang kanta*

Naaalala ko rin, nung unang araw ng college, wala akong kasabay mag lunch. Solo trip kung baga. Pero buti na nga lang habang naghahanap ako ng mauupuan sa cafeteria, nakita ko ang dalawa kong friends from highschool. Good thing same school kami ng pinasukan kasi kung hindi, emo-emohan ang drama ko that time. Mas malala pa sa MMK yung masusulat ko.

And other few “new” things pa na na remember ko nung first day of school eh yung pagkakilala ko sa isang classmate na hindi na rin namin nakasama after first year. It turned out na isa pala siyang sikat na blogger. You guys know Kevin Pacquet? Yep, naging classmate ko siya for a sem ata or a year. Di ko na alam saan siya ngayon. Posts sa FB na lang niya ang nakikita ko. But recent news I heard, he is going to conduct a workshop on wordpress. Hanep. Bigatin si friend.

Tapos andun din yung ma d-differentiate mo talaga kung sino yung mga higher years sa mga freshies kasi yung mga first years, naka civillian pa. Eh, yung mga “ate’s and kuya’s” naman, naka school uniform na. Meron din namang mga first year na naka school uniform na pero klarong-klaro pa ring first years sila dahil sa kanilang suot na temporary ID. Palusot pa talaga. Pero ako, loud and proud. Civillian kung civillian. Hindi ko pa kasi nakukuha that time yung pinatahing uniform. Tiis-tiis muna tayo. Hehe.

Actually, madami pa akong mga “new” things nun eh. Andami kong mga “FIRSTS” na gusto kong sabihin kaya lang medyo kinakalawang na yung memory ko. Andami nang memory gaps. At total, nag r-reminisce lang din naman ako, ititigil ko na rin to bago ako maging ultimate “clingy-ngero”. Gradweyt na ako eh. May trabaho na ako. Medyo kumi-clingy nga lang. Nakiki-uso lang din sa mga may bagong pasok at sa kanilang mga “First Day of School” posts. Nakaka miss lang ang school days. Konti.

Clingy.

Pero anyway, kailangang mag move on para sa ikauunlad ng Inang Bayang Pilipinas. Kaya move forward, mga clingy! Tama na ang ang pag reminisce ng first day of school! May trabaho pa tayo bukas!! (Para sa mga employed. Para naman sa mga wala pang trabaho, move on- move on din tayo pag may time ha!?)